
Sa kapitbahay naming architect na sumasabay ng pagkanta ng boom-tarat-tarat kay willie pag tanghali (nakakawala ng respeto at ayoko din isipin na sinasabayan mo din siyang sumayaw.)
Sa nagtitinda ng bulalo sa may ibaba ng mrt station. (Sarap na sana yung bulalo nyo basta wag lang makikita kung pano nyo i-prepare kase mauubusan kayo ng customer, pramis.)
Sa tsismosang tindera sa tindahan na mukhang elyen at tinatanga tanga lang ang amo niya. (Paano kaya pag pinatalsik ka niya?)
Dun kay kuya na nasa internet shop na nagagalit pag nagbabayad na ako kasi naiistorbo ko ata siya kapag nag-dodota siya. (Sorry kung naistorbo kita ha, trabaho mo lang naman ata kasi yun eh)
Sa mga batang makukulit na naglalaro sa labas kapag natutulog ako (Pasensiya na kung tinatakot at sinisigawan ko kayo minsan. Ang ingay nyo naman kase mga bwakangna kayo kakauwi ko pa lang galing sa trabaho.)
Sa mga construction workers sa compound na palaging nag-iinom sa harap ng apartment namin na tumatahimik kapag dumadaan ako (Ina nyo rin.)
Dun sa nagtitinda ng ulam sa may Malapantao street na napakasarap at napakadami nung mga unang beses ako bumili kasi trenta pesos siya pero paunti na ng paunti nung nagiging suki na ako..
Dun kay sexy na nagtitinda ng isaw na palaging nakikipag-inuman sa mga tanod. (Ang cool mo naman.)
At higit sa lahat, kay doggie, na asong tambay dun na walang garapata at napakalambing dahil dumadamba pag nakikita ako kahit na di pa tayo masyadong close. Amishu ol foks.