Wednesday, January 31, 2007

Boni Ave.

Namimiss ko lahat ng mga tao sa Boni. Simula kay manong tanod na palaging nakaupo sa harap ng compound kapag dis-oras ng gabi hanggang alas-singko ng umaga (Bibigyan sana kita ng kahit pang-kape o pang-yosi kaso nahihiya ako eh.)

Sa kapitbahay naming architect na sumasabay ng pagkanta ng boom-tarat-tarat kay willie pag tanghali (nakakawala ng respeto at ayoko din isipin na sinasabayan mo din siyang sumayaw.)

Sa nagtitinda ng bulalo sa may ibaba ng mrt station. (Sarap na sana yung bulalo nyo basta wag lang makikita kung pano nyo i-prepare kase mauubusan kayo ng customer, pramis.)

Sa tsismosang tindera sa tindahan na mukhang elyen at tinatanga tanga lang ang amo niya. (Paano kaya pag pinatalsik ka niya?)

Dun kay kuya na nasa internet shop na nagagalit pag nagbabayad na ako kasi naiistorbo ko ata siya kapag nag-dodota siya. (Sorry kung naistorbo kita ha, trabaho mo lang naman ata kasi yun eh)

Sa mga batang makukulit na naglalaro sa labas kapag natutulog ako (Pasensiya na kung tinatakot at sinisigawan ko kayo minsan. Ang ingay nyo naman kase mga bwakangna kayo kakauwi ko pa lang galing sa trabaho.)

Sa mga construction workers sa compound na palaging nag-iinom sa harap ng apartment namin na tumatahimik kapag dumadaan ako (Ina nyo rin.)

Dun sa nagtitinda ng ulam sa may Malapantao street na napakasarap at napakadami nung mga unang beses ako bumili kasi trenta pesos siya pero paunti na ng paunti nung nagiging suki na ako..

Dun kay sexy na nagtitinda ng isaw na palaging nakikipag-inuman sa mga tanod. (Ang cool mo naman.)

At higit sa lahat, kay doggie, na asong tambay dun na walang garapata at napakalambing dahil dumadamba pag nakikita ako kahit na di pa tayo masyadong close. Amishu ol foks.

Tuesday, January 30, 2007

On Death and Tikbalangs

It’s funny how my brain works. One minute I’m watching a science documentary, engrossed with it and all. Next thing I know, I was thinking that I’m going to die eventually and I’m going to leave everything behind.

What really happens when we die? Where do we go after we die? What will we feel when we’re dead? (maybe most of you will answer “wala, patay ka na nga eh! Oo nga, pero, basta patay ka na lang? Ganun na lang yun!?”) What’ll happen to your memories, feelings and personality? What will to the energy that we used to have when we’re still alive and bubbly? Naipasa na lang ba siya sa mga uod, damo damo at bacteria sa sementeryo? I’ve been asking these questions ever since I was in grade school to my classmates, friends and older people but, none of them seem to bother. They’d simply say, “wala, patay ka na nga eh!” How can they tell? Have they ever been dead and lived to tell about it? Mga tanga. Yes, there is a scientific explanation about the light after the tunnel. It’s just your brain, shutting down when you’re about to die. Didn't think anyone has surpassed that moment and lived to tell everyone about what happened after. Do things such as spirits exist? Eh yung momo, kapre at tikbalang kaya? This domain is way beyond science can explain and it seems like there’s nobody in this world that can answer such questions. What about time and space? What did exist when these two did not exist yet?

This is getting way too long. I see life as a one way trip and there’s no really coming back. Live life to the fullest while you’re still breathing. Get laid and bump uglies while you can. Fuck a lot of women (said by gramps from Little Miss Sunshine!) My mother, being the religious person she is, used to tell me that I should always pray and be ready to die. (meaning, I should repent my sins before I die. Para siguro may mukha akong ihaharap sa “KANYA” pag nagkita kami.) Maybe I think too much about death. Hell yeah, I’m scared of dying, who isn’t? But look at the brighter side of dying. It isn’t losing anything actually. Not even your life! You just gain knowledge and experience because dying is just a part of being alive.

Hirap ng walang magawa.

condolence moshe. We're praying for the eternal repose of your mother's soul.

Friday, January 26, 2007

Palamuti

Umaga na naman. Inat, Mumog. ‘Tang-nang araw yan, iinit ka na naman. Ligo, Bihis, Lakad, Sakay. ‘Tangina nitong traysikel na ’to, sobra maningil, ang tikal sa pera. Mukhang pera ang putangina..

”Manong, bayad ko, oh.” Baba, Lakad, Sakay. Putanginang bus ito, parang naandar na basura. May natulo pang tubig galing sa aircon.

 “Manong, Ayala lang. dun, sa may Paseo. Heto nga pala ang bayad ko.” Putang-inang mga tao yan, ayaw umisod. Di ako makaupo ng maayos. ‘TANG-INA MONG ALE KA, ANG SARAP MONG SAKALIN!! Sik-sik. Sik-sik pa ng kaunti.

“Guadalupe, Guadalupe!” Tingin sa labas. Tang-inang SOGO motel yan. Ano kayang klaseng mga tao ang pumapasok diyan? May mag-syota siguro na kahit hindi pa kasal, tine-testing na., mga lalaki at babaeng may kalaguyo o kaya siguro’y may mga taong mararangal din naman na naghahanap lang ng matutulugan. Ngunit alam ba nila na tinitingnan sila ng madla kapag sila’y pumapasok sa loob? Kasi naman, sa marikit na kulay nitong pula at dilaw, napaka-unti at napaka-liit ng mga bintana. Parang may milagrong palaging tinatago sa loob. O puwede din na pag-iisip ko lamang ‘yon, di ko din alam. Naalala ko bigla ang sambit niya. “Sa SOGO na lang kaya tayo matulog.” Putang-ina, hindi ako marunong sa motel. At wala akong balak pumasok sa putang-inang lugar na yan. Siya kaya, marunong? Ayoko malaman.

“Buwen-ja, jan o, Buwen-ja!!” Bakit kaya hindi Buwen-diya? Tanga naman neto.

“O, Ayala, Ayala.. Glorietta! Bawal na ho bumaba sa susunod!” Tangna. Nilagyan pa ng kalye kung di rin lang puwede bumaba. Tanginang traffic rules yan. Napakabobo ng mga putang-ina.” Isa pa itong parang tangang bus driver na ito. Walang pakundangan sa kalsada. Walang pakialam kung nakahambalos sa daan. Dapat sa mga ‘to, pinapatay. Pati itong manyakis na gagong konduktor. Grabe kung makatingin sa dibdib nung dalaga. Tingin pa lang, hinuhubaran na ng walang-hiya.

“Opsss! O yung mga bababa ng Paseo diyan! Paseo, Paseo!!” Baba, Lakad. Eh kung mag-MRT naman kaya ako bukas? “Ayos, simula na naman ng isang putang-inang araw sa putang-inang buhay na 'to.”