Wednesday, January 31, 2007

Boni Ave.

Namimiss ko lahat ng mga tao sa Boni. Simula kay manong tanod na palaging nakaupo sa harap ng compound kapag dis-oras ng gabi hanggang alas-singko ng umaga (Bibigyan sana kita ng kahit pang-kape o pang-yosi kaso nahihiya ako eh.)

Sa kapitbahay naming architect na sumasabay ng pagkanta ng boom-tarat-tarat kay willie pag tanghali (nakakawala ng respeto at ayoko din isipin na sinasabayan mo din siyang sumayaw.)

Sa nagtitinda ng bulalo sa may ibaba ng mrt station. (Sarap na sana yung bulalo nyo basta wag lang makikita kung pano nyo i-prepare kase mauubusan kayo ng customer, pramis.)

Sa tsismosang tindera sa tindahan na mukhang elyen at tinatanga tanga lang ang amo niya. (Paano kaya pag pinatalsik ka niya?)

Dun kay kuya na nasa internet shop na nagagalit pag nagbabayad na ako kasi naiistorbo ko ata siya kapag nag-dodota siya. (Sorry kung naistorbo kita ha, trabaho mo lang naman ata kasi yun eh)

Sa mga batang makukulit na naglalaro sa labas kapag natutulog ako (Pasensiya na kung tinatakot at sinisigawan ko kayo minsan. Ang ingay nyo naman kase mga bwakangna kayo kakauwi ko pa lang galing sa trabaho.)

Sa mga construction workers sa compound na palaging nag-iinom sa harap ng apartment namin na tumatahimik kapag dumadaan ako (Ina nyo rin.)

Dun sa nagtitinda ng ulam sa may Malapantao street na napakasarap at napakadami nung mga unang beses ako bumili kasi trenta pesos siya pero paunti na ng paunti nung nagiging suki na ako..

Dun kay sexy na nagtitinda ng isaw na palaging nakikipag-inuman sa mga tanod. (Ang cool mo naman.)

At higit sa lahat, kay doggie, na asong tambay dun na walang garapata at napakalambing dahil dumadamba pag nakikita ako kahit na di pa tayo masyadong close. Amishu ol foks.

13 comments:

rosas said...

lolz..dumadanda mga drawing ntin ah! ahahaha! ikis mo cla lahat pagbalik mu! dali!

Asignatura said...

@rosas: sige, ikikiskis ko sila lahat sa peys mo. hahahahaa!

Anonymous said...

PUKING INA NILANG LAHAT!!!

rosas said...

gagu! lolz! ikis mo lahat pwet nila dali! exciting un!!

Asignatura said...

@anonoymous: jhigs, di ka naman galit nyan..

@rosas: hahahaaa di exciting sakin mga exciting sayo eh. mahilig ka pala mangkiss ng pwet. augh. disgaaasteng.

rosas said...

gagu...hindi ako ikaw! ahahaha

Anonymous said...

"...asawa niya ung malaking lalake?" -tanod
"...kaano-ano mo ung malaking lalake na bumibili dito?" -tindera sa malapantao
miss ko na rin ang boni huehuehue, dami memoris lalo na dun sa katabing vacant na apartment -yanö

Anonymous said...

i remember when allan smoked pot sa boni, hehehe kumain sya ng isang kalderong kanin (mukhang cake) afterwards, hehehe

Asignatura said...

@yanö: mga tsismosero sila eh. Tapos di naman nila maitanong saken. hehe.

@anonymous: asa ka. Si Tracy yun eh. hahaha! parang cake!

Anonymous said...

amp, di yun si tracy, ikaw un may pictures ako, nasakin ang mga ebidensya, huahuahuahua cake boy

Anonymous said...

miss ko na yung pastries, yeah!! ung nintendo/dvd, yeah!!
ung mga amoy ng pot-pourri, yeah!!
ung paglilinis ng bathroom, yeah!!
ung carpet na animal print, rarr!!
ung mga buhok ni tracy, yeah!!
ung dvd series marathons, yeah!!
ung blower na may mod-ta, yeah!!
ung hair iron ni tre, yeah!!
ung pancit canton, yeah!!
ung detour road sa boni na nakalimutan ko ung pangalan, yeah!!
ung cute na kapitbahay niyo, yeah!!
ung mga tingin ng mga kabaryo nyo, yeah!!
ung mga jeepney na may jru/stop and shop na sign, yeah!!
ung wendy's na pinagtatakasan ko para mag foodtrip, yeah!! [kala niyo gipit ako nun, hindi nauubos lang dahil kumakain ako sa labas]
hehehe gipit talaga ako ako joke lang ung, amp kasing cowboy grill at mga taxi na yan, yeah!!
ung mga ingay ng mga carpintero, yeah!!
ung blanket niyo na di pa nalalabhan hanggang ngayon, yeah!! [hehehehe god knows whats touched that blanket hahaha]
ung rice cooker niyo, yeah!!
-huehuehue

Anonymous said...

hehehe
miss ko na rin ung tindera ng isaw, yeah!!
ung mamang tamod sa labas ng bahay niyo na nakikipagyaya mag inuman habang nagtratrabaho, asa sya, yeah!!
ung naging ka fling ko sa baryo niyo na hindi ko na nabalitaan mulit matapos ng isang mainit at masarap na gabi, yeah!!
ung chicken curry dun sa kalsadang nakalimutan ko na, yeah!!
-huehuehue

Asignatura said...

@yano: miss ko din yan lahat. hehe. lalo na yung kaldero na parang zoo.