Thursday, March 08, 2007

Uhugin

Hindi ko mawari kung kailan at hindi ko malaman kung paano. Isang araw, bumahin na lang ako, Sinipon, inuhog at dumami ang kulangot. Hindi ko alam kung saan nagsimula pero ganun na talaga eh. Nasa elementarya pa lamang yata ako noon ay parang gripo na ang ilong ko.

Hindi ako marunong suminga noon. Nandidiri ako sa aking sariling sipon. Malabnaw, malagkit at maalat. Oo, natikman ko na ang aking sariling sipon. Aminin mo, kahit ikaw siguro nung bata ka, kumakayat din ang uhog mo sa dau (daanan nang uhog sa pagitan ng ilong at bibig) Hindi ako makapag-laro ng maayos at makakain ng maayos dahil tumutulo ang aking uhog. Mahirap matulog pag may sipon. Bumabara sa ilong. Hindi ako makahinga. Kailangan ko pang mahiga ng patagilid para mawala ang bara sa isang butas. Tapos halin-hinan na sila.

Ngayon, beinte-dos anyos na ako. Walang pinagbago. Pero marunong na ako suminga. Minsan may dugo pa ngang kasama. Mahirap magtrabaho at mag-aral dahil sa sipon. Mas grabe pa nga yata ngayon dahil mabahin lang ako ng isa sa umaga, buong araw na siyang mag-rerebolusyon. Corrosive na din yata ang sipon ko dahil nabubutas na yung panyo ko kaka-punas. Wala din tutsang na tumutubo sa loob ng ilong ko. May duktor na nga na nagsabi sa akin kung anong gamot ang bibilhin ko para sa sipon kaso, hindi pa ako nakakabili. Wala pa kasing pera na ganung kalaki eh. Minsan nga gusto ko na ipaputol ang ilong ko dahil nakakadesperado ang kalagayan ko.

Pero wag na lang. Mas mahirap yata mabuhay ng walang ilong.

*sniff* *sniff*

16 comments:

Anonymous said...

kulangot.
-mulate

Athena said...

"Nandidiri ako sa aking sariling sipon. Malabnaw, malagkit at maalat. Oo, natikman ko na ang aking sariling sipon. Aminin mo, kahit ikaw siguro nung bata ka, kumakayat din ang uhog mo sa dau (daanan nang uhog sa pagitan ng ilong at bibig)."

Grossness! hahahaha...

Hindi ko tinikman ang uhog ko ever, kahit noong bata pa ako. Second-hand info lang na maalat DAW siya. :-P

Anonymous said...

sarap kaya ng uhog, pampalasa sa lugaw. -huehuehue

rosas said...

yaky tlga to! uhugen!! kahit kelan uhugen ka!!!!

Alan Tanga said...

@mulate: kulangot ka din.

@athena: washuuu! deny deny. hehe. nangyari sa kaibigan ko.. ganito.. nangyari sa kaibigan ko.. ganun.. deny deny. hehe. :p

@yano: akchali sopas yung naiisip ko sa kanya. natatakam ako nun pag natitikman ko yung uhog ko.

@rosas: talaga! talagang talaga! :p

Athena said...

Oist! Promise. Hindi talaga. Kahit saang korte iko-contest ko iyan! Haha... A friend of a friend of a friend told me na maalat din daw ang kulangot? Hehe.

Alan Tanga said...

don't tell me, you're tasting your own boogers too! yakiii~ bleh

Anonymous said...

boogers are saltier than snot -huehuehue

Alan Tanga said...

I'd prefer licking snots than eating boogers anytime of the day. tasteeey!

Anonymous said...

haha, nung umuwi ako sa pinas, puro haching rin ako... di ata napalitan ang mattress sa searca dorm ng ilang dekada na, naalergy ako... hehehe

Athena said...

A friend of a friend nga e!!! Hahaha... (Tsalap!) Yakkiii ka din!

Alan Tanga said...

@issai: nagwork ako dun noh.. hehe. nagpapalit naman sila ng bedsheets. nagkataon lang na madami talagang pollen dito sa elbi. hehe.

@athena: it's okay. parang tsampoy lang yan. ewww.

Athena said...

Kadiriii! Favorite ko pa naman ang champoy! Hahaha...

Alan Tanga said...

kulangot ng intsik ang champoy, di mo ba alam yun... tsk.

Anonymous said...

Ang kulit ng mga posts mo, nakaka-enjoy. Nakita kita mula kay Athena.

Pa-link.

Wala ka bang alleric rhinitis? Ako naman bahing nang bahing. Sensitive ilong ko sa polbo, alikabok, amoy nang nilulutong ulam, pabango, etc.

Ang jowa ko nga, pag nagaaway kami, bubudburan niya ng polbo at pabango ang kuwarto. Tapos papaandarin ang electricfan.

Bzzzzzzzz.

Nang makaganti, di ako makikipagtalik ng dalawang linggo.

Sa huli ako din ang susuko.

Pucha.

Alan Tanga said...

Ginagamit lamang niya ang iyong murang katawan. Wag ka pumayag. belated hababerdi nga pala. Ganyang rhinitis daw yung saken.. Parang sakit ng rhinoceros..