Friday, January 26, 2007

Palamuti

Umaga na naman. Inat, Mumog. ‘Tang-nang araw yan, iinit ka na naman. Ligo, Bihis, Lakad, Sakay. ‘Tangina nitong traysikel na ’to, sobra maningil, ang tikal sa pera. Mukhang pera ang putangina..

”Manong, bayad ko, oh.” Baba, Lakad, Sakay. Putanginang bus ito, parang naandar na basura. May natulo pang tubig galing sa aircon.

 “Manong, Ayala lang. dun, sa may Paseo. Heto nga pala ang bayad ko.” Putang-inang mga tao yan, ayaw umisod. Di ako makaupo ng maayos. ‘TANG-INA MONG ALE KA, ANG SARAP MONG SAKALIN!! Sik-sik. Sik-sik pa ng kaunti.

“Guadalupe, Guadalupe!” Tingin sa labas. Tang-inang SOGO motel yan. Ano kayang klaseng mga tao ang pumapasok diyan? May mag-syota siguro na kahit hindi pa kasal, tine-testing na., mga lalaki at babaeng may kalaguyo o kaya siguro’y may mga taong mararangal din naman na naghahanap lang ng matutulugan. Ngunit alam ba nila na tinitingnan sila ng madla kapag sila’y pumapasok sa loob? Kasi naman, sa marikit na kulay nitong pula at dilaw, napaka-unti at napaka-liit ng mga bintana. Parang may milagrong palaging tinatago sa loob. O puwede din na pag-iisip ko lamang ‘yon, di ko din alam. Naalala ko bigla ang sambit niya. “Sa SOGO na lang kaya tayo matulog.” Putang-ina, hindi ako marunong sa motel. At wala akong balak pumasok sa putang-inang lugar na yan. Siya kaya, marunong? Ayoko malaman.

“Buwen-ja, jan o, Buwen-ja!!” Bakit kaya hindi Buwen-diya? Tanga naman neto.

“O, Ayala, Ayala.. Glorietta! Bawal na ho bumaba sa susunod!” Tangna. Nilagyan pa ng kalye kung di rin lang puwede bumaba. Tanginang traffic rules yan. Napakabobo ng mga putang-ina.” Isa pa itong parang tangang bus driver na ito. Walang pakundangan sa kalsada. Walang pakialam kung nakahambalos sa daan. Dapat sa mga ‘to, pinapatay. Pati itong manyakis na gagong konduktor. Grabe kung makatingin sa dibdib nung dalaga. Tingin pa lang, hinuhubaran na ng walang-hiya.

“Opsss! O yung mga bababa ng Paseo diyan! Paseo, Paseo!!” Baba, Lakad. Eh kung mag-MRT naman kaya ako bukas? “Ayos, simula na naman ng isang putang-inang araw sa putang-inang buhay na 'to.”

9 comments:

Anonymous said...

tunay!

- bentot

Alan Tanga said...

nakamp.

rosas said...

adik sa mura!! waaah adik adik...anong anung aniong! gagers! magpakabait ka n nga! blah blah! tska manlibre ka! ang kurps mo! gagers!



---little rosas
wahahahaha

rosas said...

ahahaha...ang cute ng drawing bagay nga sau..waaahhh kadirs ikaw!!

Alan Tanga said...

walandyer. nasabi mo lahat ng gusto mo sabihin sakin ng 13 sentences. at nanggigigil pa amp. tsk.

Anonymous said...

puro ka mura, di bagay sayo

Alan Tanga said...

para nga toughie kunwari.

Anonymous said...

motel tip #1 : pag fridays mag book agad, puno halos lahat ng motel pag friday nights -huehuehue

Anonymous said...

Oist` KulapZ ! wla ba yang english translation?? kanino ka nainspired? hmm.. ScarFace?> binilang mo sana kung nakailang Fwords sya sa entire movie :Plol
"ill-tempered over-overswearing blogger"

right on!