Saturday, May 27, 2006

Lasing

Umaalingaw-ngaw paulit-ulit.
Tagay.
Kantang pinag-daanan ng panahon, konting kuwento.
Tawa.
Masaya. Masaya ka ngayon.
Walang problema. 
Limot na ang kahapon na nagpabago ng katauhan at kamalayan na sumira sa isang isip na nagmahal. Pagmamahal? Kalokohan. Isang malaking kasinungalingan. Walang batayan.
Kuha ng pulutan.
Tawa ulit.
Tagay.
Kahit gaano kapait, makikisabay ka pa din.
Nalulunod na ang kamalayang nakalimot sa masalimuot na kahapon.
Lunod sa serbesa na tanging pag-asa.
Panandaliang pag-asa.
Walang pag-asa.

9 comments:

buttmanizer said...

inom tayu minsan, heheh

havefaith...sohaveme said...

May magandang tula para jan, basahin mo sa blog ko.:)
isang araw, makakasama mo rin akong uminom.:)
pag hindi mo na kaya, sasambutin kita.;)
isang tagay naman jan!Hik!;)

(tama na yan inuman naaa~~~~tama na yaaaan~~~)

Alan Tanga said...

@buttmanizer: segi va. mag-set ca ng deyt para may ca-culetan acu. dapat, lebri mu den. ajijijiji.

@havfaith_havme: Masarap lunurin sa alkohol ang problemang hindi nawawala. tagay naaa!!~~

alex said...

walang patutunguhan ang alak, tama na yan, *gulp *gulp

Alan Tanga said...

Sanctuary ko ang alak. Hehe.

Miss Mal said...

minsan alak ang sagot. huy. lasingan tayo. bilis. hehe.

Alan Tanga said...

Sige! Now na! hehe. amp.

alex said...

to alcohol! the cause-and solution to all of life's problems - homer j simpson

Alan Tanga said...

hangaleeeng! contradictory it may seem.. pero mukhang tama. hihi.