Maagang nagising si Carlo. Alas siyete-i-medya pa lamang ng umaga ay nakabangon na siya, nakapag-hilamos at, nakapag-mumog. Nagising siya dahil hindi na maganda ang amoy ng kanyang hininga. Ikalawang araw niya nang hindi nagtu-toothbrush.
"Nakakatamad", ika niya sa kaibigan na nagtanong kung bakit ang baho ng hininga niya. Naiwan niya na namang bukas ang telebisyon dahil nakatulugan niya ito kagabi. May nag-uulat ng balita sa telebisyon, napansin niya. Iniwan niya pa din ito at naupo siya sa balustrahe.
May terrace sa labas ng kanyang kuwarto. Nasa ikalawang palapag ito. May kalakihan ang kanilang bahay. Limang kuwarto, isang kusinang malaki, dalawang sala at limang banyo na ang apat ay de-shower pa. May Guest room din ito para sa mga bisita ng kanyang negosyanteng ama. Nagsindi siya ng isang stick ng sigarilyo. Dahan-dahang hinit-hit para mag-baga ito. Naramdaman niyang kumirot ang kanyang kaliwang baga. Hindi niya alam kung bakit, pero mas ramdam nya ang sarap ng bawat hit-hit ng kanyang sigarilyo kaysa sa kirot na nararamdaman sa kaliwang baga.
"Marrr-boh-roh" Sinubukan niyang basahin ang pangalan sa pakete ng sigarilyo na hawak niya sa kanyang kanang kamay. Nilaro-laro ang kanyang bughaw na lighter sa pamamagitan ng pag-ikot ikot nito sa kanyang kamay sabay buga ng usok sa hangin.
"Haaaak.. Ptooey!!!" Dumura siya sa labas at sinubukang tanggalin ang plema na nakabara sa kanyang lalamunan. Ma-langis-langis ang kanyang buhok dahil dalawang araw na din siyang hindi naliligo. Hindi pa din siya nagpapalit ng kanyang karsunsilyo kahit mangamoy-ngamoy na ito. Inamoy-amoy niya ang kanyang damit. Amoy Sabong panlaba pa naman pero may amoy na din ng konting anghit. "Puwede pa ito", naisip nya.
Pagkaubos ng kanyang sigarilyo ay bumalik siya sa loob ng kuwarto, nahiga ulit at nag-isip. "Ano ba ang magandang gawin?" Nagtalukbong siya ng kumot at umiyak. "Putang-ina kasi eh. Putang-ina talaga." Naisip niya. Habang humihikbi ay tiningnan niya ang kanyang cellular phone. "Wala pa din." Bulong niya sa sarili..
"Tok, tok, tok! Carlu!!! Carluu!! anu baaa! bomangun ka na daw sabe ne ati!" ..Isang oras ang lumipas at hindi lumabas si Carlo ng kanyang kuwarto. Tahimik ang kanyang kuwarto maliban sa tunog ng telebisyon na doraemon ang palabas. "Gugulpihin kita Nobita!!..
"Nasa sahig si Carlo habang naghihingalo. Mahinang-mahina na ang kanyang katawan. Nasa tabihan niya ang isang boteng pampatulog na bagong bukas at walang laman. Sinubukan niyang basahin ng malakas ang nakasulat sa bote. "Vaaah-li-yuumm.." Sabay pumikit, upang hindi na imulat pang muli.
9 comments:
pare i-viagra m n lng yan. malay m mabasa m n ng malinaw! lolz may nakasakay p. hehe
tss tss. bkit kse nauso pa ang cellphone.
@janielle_22: haha parang chubibo. :p
@sappy maleen: Onga eh. Mapapraning ka lang.
hey, you write so well. keep it up.
Salamat mamang Pwetler. Ikaw din, magaling magsulat. Lalo na yung french style of writing mo, madaming chiks ang nahuhumaling sayo. hehe.
galeng mo magsulat! whoohooh... =)
__________________________________
*beep*
1
message
received
wow! my nagmamahal sakin.. sa wakas, nagparamdam narin ang lab-op-may-layp koh
... opening message...
lintek na 5110 to, ambagal
.....
.....
.... 2977: GLOBE INFOCAST:
Free Ringtone Daily!
Send FREE to 2332...
tang ina..
Salamat Anonymous. Kaya palaging naka-silent ang cellphone ko eh. Gusto ko, surprise. Kaya ngayon, alam na ng mga tao kung bakit wasak wasak na housing ng fone ko. Madalas ko siya ibato.
adik adik na naman. itigil mo na yan oi.
Hindi ako si Carlo. Kakilala ko lang. hehe.
Post a Comment